1.04.2010 | 2:47 PM


Bagong Taon Ay Mag-Bagong Buhay




... current music: Foo Fighters - Next Year.

It's the first Monday of the year, at salamat sa UP ay extended pa ang bakasyon ko.  Masaya sana, kaso na-realize ko na naman kung gaano kalakas ang effect sa araw ko 'pag natatalo ang Dallas Mavericks sa NBA.  Yup, that pretty much sapped all the energy I had for the day.  Buti first half lang napanood ko, baka hindi ko napigilang matulog na lang buong araw.


Eto 'yung mga panahong pinapangarap kong sana naha-hassle na lang ako sa trabaho... 'Yun bang nafi-feel mo na lahat ng dugo mo papunta sa utak mo kase nape-pressure ka at gusto mo maganda trabaho mo para mag-stand-out ka. Hindi katulad ng mga ganitong panahong nakakatamad, minsan eh kung saan-saan napupunta ang dugo mo kaya iba ang nagsa-stand-out.  Promise ko pa naman sa sarili ko this year hindi na 'ko tatamarin at kelangan medyo active na ang lifestyle ko, pero wala pang isang linggo umi-internal bolahan na agad ako at nakikipag-deal sa sarili ko na, "hindi 'yan, ngayon lang 'yan, bukas banat na talaga."

Minsan blessing din talaga 'pag trip mo magsulat.  Kahit wala ka talagang ginagawa, may ginagawa ka talaga.  Hindi mo kelangan tumuwad-tuwad para ma-feel mong nabibigatan ang utak mo.  Kahit jume-jebs ka pa, active ka pa rin.

Kaya ever since, ito talaga ang favorite resolution ko.  Here's hoping that this year, it won't just stay na resolution na lang.

=======
Come on get on, get on

Take it 'til life runs out
No one can find us now
Living with our heads underground

Into the night we shine
Lighting the way we glide by
Catch me if I get too high
If I come down
I'll be coming home next year
=======



|