2.12.2007 | 5:45 PM


Great Expectations

... current music: Duncan Sheik - Wishful Thinking.

"I have discovered the secret to happiness... Lowered expectations."

I've forgotten na where and when exactly I encountered this phrase. Feeling ko parang sa standup comedy ko 'to narinig eh... Pero basta alam ko nu'ng narinig ko s'ya, natuwa naman ako. Parang na-realize ko, baka ito 'yung guiding philosophy ko sa buhay. And that's saying a lot, considering andami kong napagnilay-nilayan na quotes na narinig or nabasa or inimbento ko lang (although malamang eh marami nang nauna na hindi ko lang alam). Quotes like...

"If you're made of the right material, the hardest fall can lead to the highest bounce."
"The rain does not bore a hole in a rock through force, but through consistency."
"Praise with your heart; criticize with your brain."
"Kiss me while I'm still alive. Kill me while I kiss the sky."
"Mas madaling mahuli ang manok 'pag nakatali."
"Tatangkad din ako. Tatangkad din ako with Growee."


Basta 'yung mga ganu'n. Inspirational sila 'diba? Pero feeling ko, philosophy ko lang 'yun for the moment, kase kaka-birthday ko lang. Ganyan talaga 'pag birthday eh, laging may expectations. Dapat may cake. Dapat may gift. Dapat may dinner kayo ng family and loved ones. Dapat maaga mag-text 'yung mga friends mo (kaya mga alas-dos ka na matutulog). Dapat may presentation ang mga tao. Dapat nakangiti lahat ng taong makikita mo. Dapat buong araw may umaasikaso sa 'yo. Dapat walang makipag-away sa 'yo. Dapat senyorita / senyorito ka for the day - hindi ka p'wedeng utusan, kutusan, o ututan. Kung kakain ka, may taga-subo sa 'yo. Kung lalabas ka, may taga-drive sa 'yo. Kung tatae ka... eh foul na 'yan, ikaw na maghugas ng p'wet mo. May sumasalo na nga ng tae mo eh, wala na s'yang available na kamay.

But I digress. There's nothing wrong with expecting good stuff on your birthday. Human nature lang 'yun. After all, it's supposed to be your day. Isang buong taon mo hinintay 'tong araw na 'to eh; hindi p'wedeng lumipas na lang s'ya just like any other day.

Sige, tignan nga natin birthday ko.


1. Dapat may cake.
-- Wala. Although nabanggit yata ni Daddy na bumili.
2. Dapat may gift.
-- Wala. Although nabanggit ko yata na bilhan ako.
3. Dapat may dinner kayo ng family and loved ones.
-- Meron naman. Kasama ko si Kuya, tapos nagpa-takeout na lang 'yung iba, tinamad kase umalis eh.
4. Dapat maaga mag-text 'yung friends mo.
-- S'yempre meron naman. Germee, Rei, Alric, Dave. At may nakalimutan akong isang nag-text na "Birthday mo ba?"

5. Dapat may presentation ang mga tao.
-- Haha. Nice one.
6. Dapat nakangiti lahat ng taong makikita mo.
-- Hmmm... Hindi naman sinabing bawal ang panget 'diba?
7. Dapat buong araw may umaasikaso sa 'yo.
-- Exag naman. Kung may umaasikaso sa 'kin hindi sana ako mag-isang nakapag-PS2 buong hapon.
8. Dapat walang makipag-away sa 'yo.
-- Buti naman wala. Kung meron, grabe naman ang kapal ng mukha nu'n. Kung meron, siguro pinagmumura ko na 'yun hanggang magsumbong sa kapitbahay nila. Buti naman wala. (Sana hindi obvious na meron.)
9. Dapat senyorito ka for the day.
-- Eh pa'no ba 'yan, walang katulong nu'ng araw na 'yun. Sino magsasaing? Sino maghuhugas ng pinggan? Sino magpapakain ng aso? Sinubukan ko magkunyaring tulog pero hindi gumana.

The thing is, though... These weren't my expectations anyway. Sa mga nakakakilala sa 'kin, alam naman n'yo naman kung ga'no 'ko kababaw lang na tao. Probably a product of my upbringing. Mababaw ang kaligayahan namin lahat sa bahay eh. Basta masarap ang pagkain, walang nag-aaway, walang sirang gamit, wala masyadong lamok, 'tsaka may katulong, masaya na kami lahat. And now that I think about it, I don't see it as lowered expectations, ibig sabihin kase nu'n nagse-settle ka lang for something less - which is definitely not the case. So hindi ko na pala s'ya guiding philosophy. Oh well, at least nagamit ko s'yang intro.

At may pahabol pa pala...

10. Dapat kasama mo ang labidabs mo buong gabi hanggang madaling araw ng Feb. 9-10 kahit alam mong bawal s'ya magpa-late at mahigpit ang internal control measures sa kanila.
-- Lalong hindi ko 'to inexpect.

Sabi sa Two-Factor Theory sa BA 101...

"Benefits that are expected and are given are satisfiers.

Benefits that are expected but are not given are dissatisfiers.
Benefits that are not expected and not given are not dissatisfiers.
Benefits that are not expected and are given are motivators."


Happy birthday to me.

=======
And I try to realize
That I needn't look any further
The whole of the universe
Is plain to see
And I try not to rely
On another world or the future
The whole of the universe is a mystery

Oh no, there you go
Looked away and missed the show
How much wasted time
Will you survive?
Oh yeah, fooled again
I don't know how and I don't know when
Not much else to blame
But wishful thinking
=======



|