7.07.2006 | 6:12 PM


The Day I Cut Review

... current music: Simple Plan - The Worst Day Ever.

Bago na muna ang lahat, mabuhay ang MemCom sa isang swabeng AO/AP! Hanep, aircon, first time! (Oo na, poor lang kami.) Dati ko pa naman ina-anticipate, pero iba rin pala feeling ng alumnus sa AO/AP... Hehe... Kahit panget, cool pa rin, alumnus eh. Medyo hinanap-hanap pa nga ng katawan ko 'yung trabaho (actually nautusan), naging lightsman at garbage collector pa 'ko ng hindi oras... Though ok lang, naka-delihensya naman ng pancit. 'Tsaka nakaka-miss humirit, kinakalawang na utak ko sa kaka-review. Take note, iba ang "review" sa aral... Madali mag-review, pero hassle mag-aral. Siguro mas nasasarapan pa 'kong amuyin 'yung mga libro ko. Nakaka-high 'pag amoy bagong-bili eh. 'Pag ginamit ko na talaga 'yun, mawawala na 'yung amoy. Ayon, so kumbaga, araw-araw ako nagre-review, pero parang hindi pa 'ko nakakapag-aral talaga.

And recently nga, dahil naaaaaapaka-responsable kong reviewee, na-decide ko lang basta na 'wag pumasok. May dahilan naman... Late na rin ako nagising, so tinamad na 'ko. (Baket, hindi ko naman sinabing maganda 'yung dahilan a.) Muntikan na nga eh, sinita ako ng tatay ko... S'yempre ayoko naman magsinungaling. Buti na lang 'yung tanong n'ya, "O, hindi ka papasok?" Kaya oks lang magsabing hinde. Ngayon kung ang tinanong n'ya, "O, wala kayong pasok?"... Well, kahit ayoko magsinungaling, gagawin ko siguro. Alangan naman pumasok pa 'ko, mga 730am na yata 'yun. Wala na rin ako maaabutan nu'n... Siguro Tax pala... Shet, 'wag na lang nga talaga.

'Kala ko solb na. Pero 'ika nga ni Ma'am Dani dati, "'Wag kayong ganyan, ang karma naka-FedEx na." [Iba ang magaling magturo sa magaling humirit. (Joke!)]

So wala nga pala kaming katulong nu'ng araw na 'yun. Naknangtokwa. Kaya pala hindi na-bother ang tatay ko nu'ng sinabi kong hindi ako papasok. Kung tutuusin, wala naman talaga masama du'n... Saing, hugas pinggan, pakain sa aso, linis ng konti, ganun... Pero kasi, kung pumasok lang sana 'ko... Haaaay.

Ok na sana, solb lang kahit katulong ako for a day. Kaso nu'ng naghuhugas na 'ko ng pinggan, linapitan ako ni Daddy... "Mak, nakita mo na ba 'yung kwarto mo?" "'Yung sa taas? 'Yung ginagawa?" "Hinde, hinde, 'yung kwarto mo ngayon... Baha kase." Malabo, pero shet, totoo pala. Nothing spectacular, medyo ankle-high lang naman, tapos may medyo malakas na tulo. Pero kase kwarto ko 'yun eh... Mabasa nga lang 'yung sahig hassle na magpunas, bumaha pa kaya, tapos tuloy-tuloy pa 'yung tulo. And since wala kaming mop, punas-piga hanggang matuyo. Astig pala 'pag nagka-paltos ka sa ganitong paraan, hindi mo mamamalayan wala na palang balat 'yung kamay mo. Ahaaaay pakshet. Kung pumasok lang sana 'ko...

Pagkatapos ng janitorial services, naisip ko naman medyo magpaka-productive, kaya lumabas ako ng bahay para mag-aral. Sa may malapit lang, sa ChowKing Parola lang, malamig kase 'tsaka parang gusto ko ng buchi. Siguro mga 15 minutes pa lang, suko na 'ko, walang-wala talaga 'ko sa mood mag-aral... Feeling ko na-realize ko rin kase na hindi ko kayang sagutan 'yung Auditing Theory nang hindi nagbabasa ng kahit ano. At almost the exact moment na tatayo na 'ko para umalis, biglang bumuhos ang ulan. Wala na, sinasadya na talaga ni Lord 'to. Siguro kung may buchi pa 'kong natira, binato ko na 'yung g'wardya.

One-and-a-half hours and two more orders of buchi later, medyo humina na rin 'yung ulan at nakauwi na 'ko. Parang gusto ko na lang matapos 'yung araw, baka hindi pa makuntento si Lord at dagdagan pa 'yung karma ko eh. Nice talaga. Walang-wala akong makitang magandang nangyari nu'ng araw na 'yun. Kahit 'yung allowance ko for the day, nasita... Hanggang bukas na raw 'yung baon ko since wala akong pasok. Tanong pa nga sa 'kin, "O, papasok ka ba bukas?" Oo na, gets ko na... Andaya naman, hindi lang naman ako 'yung inaatake ng katamaran sa review... Lalo na kung Tax lang.


=======
It's 6 AM
The clock is ringing
I need to spend
An hour snoozing
'Coz I don't think I'm gonna make it

I punch in
I'm still sleeping
Watch the clock
But it's not moving
'Coz everyday is never-ending
I need to work I'm always spending

'Coz I feel like I'm living the worst day over and over again
I feel like the summer is leaving again
I feel like I'm living the worst day
I feel like you're gone
And everyday is the worst day ever
=======



|