7.21.2006 | 6:21 PM


Buhay Commute

... current music: Bob McGrath and the Anything Muppets - People In Your Neighborhood.

Malamang naman alam n'yo na, pero sasabihin ko na rin... Malapit na ang first pre-boards namin. Nakakatuwa talaga reaction ng mga tao 'pag nababanggit pre-boards... Kulang na lang parang 'yung sa cartoons na parang inuubos 'yung kuko sa kakakagat. Not saying they're wrong, of course. Feeling ko nga ako lang 'yung gagong hindi kinakabahan eh. Pero sabi nga ni Sir Guerrero, relax lang, mas mahirap 'yun sa actual boards... Which proves na... well... 'wag ka dapat kabahan sa boards, pero medyo kabahan ka sa pre-boards. Oo nga 'no. Sige na nga, kakabahan na nga 'ko.

I've been meaning to blog about what review is like... Pero parang ayoko muna. Hintayin na lang natin after first pre-boards. Para kung bagsak, mas masaya mang-insulto ng tao. At kung sakaling sa Tax lang ako bagsak, LALONG mas masaya. Wahahaha.

Anyway, naalala ko lang 'yung dati kong gustong isulat pero nakalimutan ko kase nangati 'yung paa ko (eh sa sobrang kati eh). Siguro kase parang nabanggit ko sa past entry ko 'yung mga epal na tumitingin sa tina-type ko sa blog. Kaya naalala ko rin 'yung times na ino-observe ko 'yung mga tao sa LRT, sa jeep, etc. At iba 'yung "observe" sa "silay" o "titig". Which reminds me of a question na tinanong ko dati kela Janrich 'tsaka Jeff Vinluan... Tinanong ko sa kanila, kung meron silang nakasabay na sexy na magandang babae, saan sila uupo... Sagot ni Janrich, sa tapat daw; si Jeff naman, sa tabi. Si Janrich bale, mahilig tumitig 'tsaka sumilay... Si Jeff naman, he prefers bodily contact over optical satisfaction, i.e., may pagkamanyak s'ya. Ako naman sagot ko, depende kung nakalugay o naka-ponytail... Kung nakalugay, du'n ka sa tabi n'ya na mas malapit sa driver; kung naka-ponytail naman, du'n ka sa tabi n'ya na palayo sa driver. Isipin n'yo kung baket...

Pero nalalayo na naman ako sa iniisip ko. 'Pag nangati ako nito, wala na naman... Like I said kanina, hindi mo rin talaga mapipigilang mag-observe ng tao kung commuter ka, at kung normally wala kang gustong gawin habang nasa jeep ka or LRT kundi magpa-cool at makinig lang sa MP3 player mo. Share ko lang ang iba't ibang general personalities na napansin ko over six years of commuting. Kung commuter ka rin, malamang na-meet mo na rin sila. Ah sige, umpisahan na natin 'yan...

1. The Fighting Couple
Babae at lalake, magkasing-edad halos, pareho pa ng school, sabay papasok ng jeep, magkatabi pang uupo, karga pa ng lalake 'yung pink na bag ng babae... Yiheee... Mukhang sila. Kaso baket gano'n, parang hindi sila nag-uusap, tapos ayaw pang magtinginan... Poporma sanang aakbay 'yung lalake, pero ii-ilag ng babae 'yung balikat n'ya... Matagal na walang imik... Tapos magbabayad para sa dalawang tao 'yung lalake. Biglang magbubukas ng bag 'yung babae, babayaran ng pamasahe 'yung lalake. Maya-maya, maririnig n'yo nang nagsasagutan, hihina-hinaan pa boses, tapos titingin-tingin 'yung lalake sa mga pasahero sa paligid para tignan kung may nakakapansin, s'yempre patay-malisya lang ang mga tao... Ayon, away pala sila. Mag-ingat kung nasa tapat ka ng lalake, 'wag ka magpapahalata na nakikinig, kase ikaw ang una n'yang iche-check.

2. The Defenders of the Light
Eto ang mga anghel na naka-disguise na mga medyo matatandang lalake at babae na ang sole purpose sa borrowed time nila sa Earth ay pagalitan ang mga driver para sa kapakanan ng ibang pasahero...
'Pag masyadong mabilis magpatakbo, "Manong, bagalan n'yo naman, may mga batang nakasakay!"
'Pag masyadong matagal nakatigil na naghihintay ng pasahero, "Manong, larga na, nagmamadali mga pasahero mo!"
'Pag sobra maningil o kulang manukli, "Manong, wala naman dugasan!"
'Pag ayaw maniwalang estudyante ang isang nagbabayad, "Manong, may ID nga o!"
'Pag may pumapara pero hindi tumigil agad, "HAYOP! BINGI! (in sign language)"
'Pag pangit 'yung driver, "PANGIT!"
Minsan ok lang, pero 'pag sumobra parang gusto mo na lang sila itapon palabas ng bintana eh... Tanungin n'yo si MJ Patag, may nakasabay kami dating ganyan na nakakaasar.

3. The Closet Bandistas
Best observed with Sandalan ng 6CycleMind, Torete ng Moonstar 88, and any Cueshe song. Ang bait nitong mga taong 'to, nags-stage ng impromptu benefit concert sa jeep. Pero s'yempre sa imagination lang nila. Tingin ka lang sa paligid, kumpleto ang banda... 'Yung malikot ang kaliwang kamay na tina-try i-simulate 'yung guitar solo, 'yun 'yung lead guitarist... 'Yun namang steady lang na nagst-strum with his right hand, rhythm guitar... 'Yung sumasabay sa beat with tapping of several fingers (bass drum = thumb, snare = index finger, others = labu-labo na), drummer... Tapos s'yempre, 'yung pa-subtle pang nakatingin sa labas ng bintana pero hindi mapigilang mapapikit-pikit sa kaka-emote, walang iba kundi lead vocalist (and if the song calls for it, s'ya rin 'yung backup vocals). Pagbigyan na sila, malamang sa jeep lang sila sisikat. 'Wag kalimutang pumalakpak pagkatapos ng kanta.

4. The Cramming Nursing Student
Kumbaga 'pag nasa LRT ka, maiisip mo para silang mga Koreano sa UP. Andaaaaaaaaaaami nila. 'Yung iba, relax lang... Pero ang marami sa kanila, may hawak-hawak na mga notes, nagbabasa ng libro... Though hindi ko alam kung baket, pero parang lagi kong napapansing binabasa nila tungkol sa pregnancy... Kaya nga alam ko na ang posisyon ng bata sa loob ng placenta 'pag may nakalabas na daliri sa pusod ng nanay. 'Yung iba naman, may hawak na sample exams... "Question 34. What is the appropriate dosage of Diatabs to be administered to a pregnant woman suffering from severe halitosis? (a) tatlong banig, to be dissolved in 355mL of GSM Blue (b) yes, because it is definitely not 'no' (c) risk-adjusted discount rate > IRR > weighted average cost of capital (d) the correct drug is Flintstones Chewable Vitamins, not Diatabs." Tapos magtataka ka, 'yung sagot sa isa (a), 'yung sa kabila (d). 'Wag ka na lang umangal, hindi mo rin naman alam 'yung sagot, 'diba?

Ayun. Kulang pa 'to, next time na lang 'yung iba... Baka gusto n'yo kong tulungan, text n'yo lang ako kung meron kayong maisip na iba.

=======
Oh, who are the people in your neighborhood?
In your neighborhood?
In your neighborhood?
Say, who are the people in your neighborhood?

Well, they're the people that you meet
When you're walking down the street
They're the people that you meet each day
=======


|