6.30.2006 | 6:32 PM


Babalik Ka Rin

... current music: MxPx - Doing Time.

Oo nga 'no. 'Yung last post ko, JPIAn pa 'ko a (awww). Hindi naman sa nangangarir ng review... Wala kaseng Internet sa bahay eh. 'Tsaka actually, feeling ko parang andami-dami nang nangyari kaya parang gusto ko lahat gawan ng post. Kaso nga lang, feeling ko parang andami-dami nang nangyari kaya nakakatamad. At isa pa, hassle mag-blog 'pag andito 'ko sa internet cafe sa labas ng subdivision... Andaaaaaaaming tao. Nakakairita lalo na 'yung mga nakiki-usisa sa ginagawa ng may ginagawa. Ampapanget nilang mga pakshet sila, sana matae sila bigla sa mga pantalon nila tapos lumayas na lang sila habang pinagtatawanan sila ng lahat. Ambabaho pa, hindi man lang lumayo-layo ng konti... kahit sa may Tawi-Tawi lang para hindi na namin sila maamoy. (Ayon. Umalis na rin sa wakas 'yung dalawang gago sa likod ko.) Pero sige, para mahabol ko na once and for all, bigay na lang ako ng rundown ng past three months, starting from my last post.

Game.

(1) Became an official UPJPIA alumnus.
'Ika nga ni Oracle sa Matrix, "All good things must come to an end." Ay wait, "All things that have a beginning must have an end" pala 'yun. O basta, ganun na rin 'yun. Miss ko na ang mga JPIAns... Excited na 'ko mag-AO/AP!

(2) Became an official UPCBA alumnus.
Real world, here I come. Wala nang BA comfort zone. BA comfort room na lang. (Always remember, kung tatae ka, sa 2nd floor CRs mo gawin. Walang istorbo, walang makakaalam.)

(3) Became an official UP alumnus.
Baket kelangan mahaba ang speech? Init-init na nga eh, wala naman nakikinig. Marine biology ba naman ang topic. I mean, marine biology yata, hindi nga ako nakikinig eh. Basta kuha medal. Tapos.

(4) Attended Mico's grad party (and some gay guy's birthday party).
Hanlupet ng Kamikazee! Hinawakan ako ni Jay sa baba!!!! Aaaaaaay!!

*Hassle, may nagbabasa na naman sa likod ko. Pabugbog ko kaya 'to sa mga kabarkada kong drug addict... Ma-text ko nga...... Seryoso, ite-text ko na talaga....... Hihintayin pang bunutin ko cellphone ko eh....... Aba talagang matigas ang bwakananginang --- Ayoooooooon.


(5) Played PC and PS2 games.
Natuto ako mag-DotA sa kapatid kong bata. Adik pala 'yung walanghiyang 'yun. Kaya pala kamukha na n'ya si Barathrum. Tinapos ko 'yung mga hindi ko natapos before, either nawalan ng oras or nagsawa... Splinter Cell, Metal Gear Solid 3, WWE SmackDown! vs. Raw 2006, Suikoden IV and V, Final Fantasy X, NBA Live '06 Dynasty Mode (s'yempre New Jersey Nets). At s'yempre and'yan rin ang mga old, reliable PC games, Diablo 2: Lord of Destruction, Counter-Strike, 'tsaka Heroes of Might and Magic IV.

(6) Had to go to several job exams / interviews.
Namely, Ernst&Young TASI, JG Summit, P&G, IBM, Credit Suisse. Nope, no offers yet. Discontinued TASI application.

(7) Went to my first UPJPIA activity as an alumnus.
Counted naman 'yung SAG Tambak Workshop 'diba? 'Tsaka nagbayad naman ako sa pizza eh. Sarap pala maging alumnus, p'wede mo gaguhin 'yung present EO's (s'yempre in a friendly, positive, light-hearted way. hindi naman 'yun tipong parang ano......... *wink* *wink*................................... mwehehehehehe.)

(8) Went to Galera with batch friends.
With Germee, Momon, Crystle, Ana, Loraine, and Marj. Yeheeeesss. First time. SHET SOBRANG INEEEEEEEHHHT! ABOT SINGEEEEEEHHHT! (See Loraine's and Crystle's blog for details) Bakla na kung bakla, pero ayoko mag-banana boat. Secure naman ako sa pagkalalake ko eh. Baka mapatili pa 'ko 'pag sumakay ako du'n.

*Speaking of bakla, ica-clarify ko lang na 'yung Jay sa #4 ay 'yung lead vocalist ng Kamikazee. At 'yung "baba" ay chin.

(9) Met up with Ateneo High School friends.
Kahit anong mangyari, hindi talaga malalaos ang basketball, birthday ni Toge, at s'yempre si Prado.

(10) Had a night out with the BAboys.
With Momon, Janrich, Jacob, Sef and James. Inom, bilyar, DotA. The usual... Yup, the usual lang.

(11) Got a 4GB iPod Nano.
Sa wakas. Alam ko namang hindi ako dudugasin ng sarili kong ina eh. Wala naman akong ibang hinihingi. Tutal tumagal naman ako ng 3rd-5th year na hindi nagpapabili ng damit. Fair naman 'diba...


(12) Family home under major construction.
Sa mga nakapunta na sa bahay namin, naaalala n'yo ba 'yung sala at 'yung pagkarami-raming sofa? Wala na 'yun lahat. Magpapalagay ng 2nd floor eh. Sumisikip na ang bahay, tumataba na kami lahat. Basically, sa kanya-kanyang kwarto muna kami nakatira ngayon, 'yun lang kase 'yung may bubong eh. Kaya rin pala walang Internet. Estimated date of completion: November-December. Estimated percentage of completion: 50-55% Calculated Gross Profit Rate: s'yempre wala, hindi naman kami 'yung nagco-construct eh.

(13) Became a temporary Miami Heat fan.
Nets ako s'yempre. Pero natalo ng Heat. So nag-Clippers ako. Pero natalo ng Suns. So nag-Suns naman ako. Pero natalo ng Mavs. Shet, malas rin talaga 'ko. Buti hindi ako pumupusta. Naisip ko nga kumampi sa Mavs kase gusto ko Heat mag-champion. Buti na lang hindi naman nag-hold ang trend. Pero sorry sa mga Heat fans... Mukhang malabo mag-repeat ang Miami.

Ayan. Three months in a nutshell. Hindi ko na sinama 'yung pumayat ako tapos tumaba ulet (kase hindi naman nangyari). Wala na 'kong utang! Makaka-post na ulet ako nang maayos. Woohoo. Hanggang sa muli!


=======
I remember times I had
Some were happy, some were sad
Memories of me and my partners in crime
Throwing up a thousand times

I never did homework after school
Did all the things I thought were cool
Went out every Friday night
I still do and I'm alright

You gotta stick together
With who you are and who you know
You gotta remember
Where you've been and where you wanna go
=======


|