11.03.2005 | 2:07 AM


[LTO_boys06_rulz_4eva]

... current music: Eraserheads - Overdrive.

Before I get to my main topic, hindi ko gagayahin libo-libong graduating CBA students (siguro less than 20 lang pala) na ginamit ang blog nila upang humingi ng testimonials. Lalo na 'yung style ni Crystle na sa Friendster na idiretso para two birds in one stone 'yung testi. Hindi talaga. Hindi ko gagamitin ang blog ko para sabihing kelangan ko ng testimonial para sa Guilder Annual CD namin. Hindi ko sasabihing ok lang kahit short lang 'yung testimonial, pero mas ok kung mahaba. At lalo nang hindi ko babanggitin na i-email sa 'kin sa da_macker2001@yahoo.com 'yung mga testimonials na ginawa n'yo para sa 'kin. Salamat ng marami. Deadline nga pala November 6.

Anyway, ayun. Galing ako sa LTO kanina para kumuha ng student's permit. Astig. Ako na yata 'yung pinakamatanda du'n na student's permit ang kukunin. At para daw hindi ako mauto ng mga fixer, s'yempre nagpumilit pang sumama ang nanay ko. Dyahe. Buti na lang maganda nanay ko. On second thought, hindi rin pala. Parang gusto kong pagduduraan 'yung mga lalakeng tumititig. Ning-ina nila. Pero s'yempre dura lang dapat. Eto lang ang klaseng away na pantay-pantay ang lahat ng magkakalaban. Lalake o babae, bata o matanda, malaki o maliit, marunong dumura. Hindi nadadaan 'yan sa bruskuhan, tapos kelangan lang i-develop ang muscles sa bibig, na kaya naman ng lahat. Pero ang malulupit palang mga kalaban d'yan, 'yung mga bronchitic at merong respiratory disorder. Ambigat ng buga n'yang mga 'yan, may halo kaseng plema. Medyo parang si Reptile sa Mortal Kombat.

Anlabo na pala. Anyway, tinry ko sundan 'yung colorful illustrative steps in obtaining a student's permit. In fairness, malinaw naman s'ya. Kaso lang hindi nakalagay du'n na parang Choose Your Own Adventure 'yung mga pupuntahan mong windows. Tokwa. Mahilo-hilo ako du'n. Anlabo pa nila lahat, hindi coordinated ang mga activities. Hihimatayin sila Ma'am Dani at Ma'am Aileen nito. Baka mapagawa ng document flowchart sa inis.

Pero sa awa ng Diyos, ayun, nakapag-fill out naman ako ng form at nakapagpapirma kay tsip. (Sino ang leader ng mga patatas? Edi si Potato Chip! Weeeeeehh.) Tapos nu'n picture-picture na, tapos hinihintay ko na lang matawag 'yung pangalan ko para magbayad sa Cashier. Buti off-peak, hindi masyadong mahaba ang mga pila. Actually, wala palang pila, kase wala pang natatawag para magbayad. Hindi namin maintindihan lahat ng mga kapwa ko kumukuha ng lisensya kung baket parang wala yatang nangyayari. Sarap nga upakan nu'ng nasa Cashier, biglang tinawag 'yung parang barker. S'yempre umasa naman kami lahat na makakapagbayad na kami. 'Yun pala magpapabili ng Sprite sa canteen. Naknangtokwa talaga.

After an extremely unreasonable amount of time, nakapagbayad na 'ko at nagpapirma ulet kay tsip, na walang anu-ano ay biglang sinabing, "Bente." sabay abot ng pulang lalagyan ng lisensya. Ayos sa raket. Kaya pala marami kaming ganun na nakakalat sa bahay. Pagkaabot ko ng bente, nag-one-liner na naman si tsip. "Window 8." Akala ko tapos na sa wakas ang aking half-day LTO adventure. Meron pa palang huling hirit.

Pagdating ko sa Window 8, walang tao. Hintay lang daw, may darating. After mga 20 minutes, may dumating ngang lalake. Tinanong ko kung ano gagawin dito. Hintay lang daw, down lang ang computer. Sige, hintay naman ako. Maya-mayang konti, sumilip ako. Rine-restart 'yung computer. After mga 10 minutes, silip ulet. Tinataob na 'yung casing. Kinabahan na 'ko. Maya-mayang konti, sumilip na ulet ako. May hawak nang computer chips 'yung lalake. Namputsa talaga. Sa wakas, may nagbilin sa 'ming babae sa kabilang window na kunin 'yung kopya namin ng resibo tapos bumalik na lang next Wednesday para makuha 'yung permit. Kaya naman pala hindi kami kinakausap nu'ng lalake sa Window 8, technician lang pala s'ya.

Sa wakas, natapos na rin ang LTO adventure ko. At wala pa rin akong student's permit. Pero nakakatuwa lang kase nagkaro'n ako ng mga friends. Nagsimula 'yun sa Cashier pa lang. Pagkatapos nu'n sama-sama na namin kinakausap, inaaway, at minumura (except ako) ang mga taga-LTO habang linalakad ang aming mga papeles. Siguro pare-pareho lang ang pagkamuhi namin sa LTO kaya ambilis namin mag-bond. Kaso lang naiilang talaga 'ko everytime tinatanong nila sa 'kin kung ano kinukuha ko. Lalo na 'yung mga sinasabi lang, "Pa-renew?" Gusto ko sana sagutin, "FINEX ka?" Wehehe. Uy joke lang ha. Sabihin n'yo na naman mayabang ako. Pero ang hirap siguro kung wala 'yung mga 'yun. Kase kung hiwa-hiwalay kami nagsi-angal, baka hindi kami umubra. And aside from that, s'yempre mas masaya at nagkaro'n kami ng mini-barkada. Nag-iisip na nga 'ko ng p'wedeng pangalan ng e-group namin eh. In the words of Momon, "I know I left LTO with more than just a receipt for a student's permit." Naks. Bulsyet.

Konti na lang lisensyado na 'ko. Kelangan ko na lang talaga matuto mag-drive...

=======
Magda-drive ako buong taon
Magda-drive ako habang buhay
Magda-drive ako hanggang buwan
Plis, plis lang turuan n'yo akong mag-drive

Gusto ko matutong mag-drive
Kahit na wala akong kotse
Gusto ko matutong mag-drive
Kahit na walang lisensya
=======


|